Marso 02, 2020
Hindi ko alam kung papasa ba ako sa quiz bukas. Ang hirap palang bumuo ng isang blog tulad nito. WHOOO! kaloka! Atleast mayroon na akong ideya. Ang pinaka mahalaga ngayon araw e, iyong natulungan ko ang kaibigan ko sa wikang Filipino. Tungkol sa medyor na inaaral ko! Kaya masayaa pa din akooo kahit pagod.
Marso 05, 2020
Kakaiba yung nangyari sa akin ngayong araw, para bang andaming pagtatantong sumapol sa akin. Lagi kong hinihintay yung jowa ko sa paguwi niya, magkaiba kasi kami ng schedule (biruin mo yun? may jowa pala ako). Ako pang umaga, siya ay pang gabi. Ayun... tamang sakripisyo lang. Habang hinihintay ko siya sa isang sulok sa school namin, nakakita ako ng kapwa ko estudyante. Ngunit, ang kakaiba rito. May hawak siyaaaang baby! di na ako nagtaka, pero nagulat ako hahaha. Hindi na bago sa akin ang ganoong eksena dahil kolehiyo na ako. At lalong 'di na bago sa akin ang pagkahilig ko sa bata, kaya nga pagiging guro ang kinuha ko sa kolehiyo.
Ayun na nga... nilalaro ko yung bata gaya ng peekaboo! HAHAHA cute kahit na hindi alam ng Papa niya. Basta nginingitian ko lang silang dalawa. Tapos biglang nahulog yung tsupon ng bata. E nasa second floor kami ayun! hindi napansin ng Papa niya saan nahulo. Sinabi ko naman na nahulog kaso hindi narinig e. Patuloy pa din nilang hinahanap yung tsupon habang bulong ng bulong yung Papa nung bata na "na saan na kaya Mama mo?". ESTUDYANTE DIIIN PALA SA SCHOOOL NAMIIN ANGGARAA! so ayun naawa na ako kay kuya kakahanap mukhang late na din siya klase niya at pagod. Kaya dahil sa butihin akong mag aaral hahaha bumababa ako sa 1st floor at hinanap ko saan nahulog yung tsupon. Nahanap ko namn hinugasan ko na din, nabasa pa nga ako. Ayos na yun! atleast nakatulong ako. Pagtapos nun nakaidlip na si Baby Girl... cutiee... napagod na din ata... Napagtanto ko na hindi biro ang pagkakaroon ng anak kung estudyante at bata ka pa. Sayang! gusto ko pa man din magkababy na hahahaha biro laaaaang. Now I know the struggle! (sabi ko sa jowa ko pagkakita ko sa kanya "be a good man ah to be a good father okii" clueless siya sa pinag sasabi ko hahaha)
asd
March 8, 2020
May pagsasanay sa linggwistika ngayon at wala
akong naisagot. Ayoko naman hulaan! Ang hirap kasi maghanap ng kapareha ng tuldik
o tunog ng salita hays! Kaya ko lang mag transkripsyon! Di bale na! atleast
ginawa ko makakaya pero ako ata pinaka mababa? HAYS! kalungkot pero kakayanin
pa din! Aaralin ko pa ulit
March 15, 2020
Nakakatakot na ang nangyayari. Hindi ko akalain
lala ang COVID 19 sa pinas hays! Kabi kabila yung news, pati social media accts
ko puro gaanoon ang laman. Ano na kaya mangyayari sa Pilipinas o sa buong
mundo. Hays!
March 19, 2020
Hays! Core exercise be like? Hahahahaha! pero okay
na yun pero di pa din talaga ako nakakapagvideo hirap kasi e. may scoliosis din
ako no? kaya hanggng word na lang muna yung exercise ko hahahha XD bakit ba
kasi mahina kong tao? Physically at sa lahat.
April 2, 2020
WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH! I want to give a
ring to my bf right now? After ecq siguro? Kasi naparealize sa aking ng ecq
ngayon na hays! There are things you can’t control so as much as possible
sabihin mo na sa taong mahal mo na mahal mo siya. After ECQ gusto kong may
mabago sa aming dalawa dahil malaki yung impact ng ECQ hays! Gusto ko malaman
niya na no matter what love ko siya. Hhuhuhuhuhuhu! I think siya na talaga. 3
years na kami tas 1 year niligawan huhuhuhuhuh I never knew na yung dasal ko
pal ana sana maging kaklase ko crush ko noong 4th year at magkajowa
na. Hindi crush ko binigay kundi siya.
April 3, 2020
Im still finding a ring na pwede ko ipadala sa
knya.Sana dumating na din yung scholarship. Iyon lang kasi yung matatawag kong
akin talaga nap pera bukod pa sa kinikita ko sa arts na ginagaw ako. Gusto ko
siya mapasaya huhuhuhu immediately as soon as possible
April 4, 2020
Nakakatuwang isipin sa patuloy kong panunuod ng
art video tutorial e nag improve iyong gawa ko. Dati sabi ng pamangkin kong 4
yrs old mukha raw garlic yung drawing kong ilong. Panahon pa iyon ng
nagsisimula at sinusubukan ko pa lang mag portrait drawing. Sa wakas! Tagumpay.
Sabi ng bestfriend ko na si Angel, naalala niya daw sa ilong na drawing ko
iyong ilong ni Lee Minho. Isang sikat na aktor sa Korea. Antangos daw kasi
sobra gaya ng ilong ng taong iyon. Pinakita ko muli iyon sa pamangkin ko.
Sinend ko sa messenger yung kuha ng drawing ko. Ayos naman kaso may mata sa
itaas. Wala siyang nasabing garlic o kung anong putahe pero sabi niya bakit daw
isa lang. Ang mga bata nga naman talaga! Nakakatuwang nakakabwisit. Masaya pa
din ako sa resulta ng pagpapatuloy ko sa larangan ng pagguhit. Ngayong
quarantine, mas lalo ako nagkaroon ng oras para paunlarin pa yung mga bagay na
naisasantabi ko nong may pasok pa sa eskwela.
April 7, 2020
Hay! Sa dami ng nnagyari sa akin ngayong araw.
Isa sa gusto kong ikwento. Etong una kong tingin ko self portrait. Hindi
ganoong kagandahan pero napawi yung pagod ko dahil ditto sa gawa ko. Mahilig
ako sa bulaklak. Una kong natutunan ay pagpinta ng rosas at pagguhit ng
bulaklak na simple na dekorasyon sa aking mga project nung highschool ako. Nakita ko tong artyle na ito sa internet,
hindi pa nga dapat bulaklak iyan, dapat ay paru paro. Iniba ko dahil mas
komportable ako sa bulaklak. Para sa akin ang simbolo ng bulaklak ay ang
scoliosis ko, kayat nasa likod. Nagsisimbolo din ito ng mga pinapalaya kong
anxiety,takot, lungkot sa pamamagitan ng art nagiging para isa itong bulaklak
na napakaganda.
Sinubukan ko din muling mag typography at
calligraphy, hininto ko kasi ito simula nung tumongtong ako sa kolehiyo.
Lumipat ako sa pagpipinta pero kinalawang man ako atleast maganda pa din di
ba!? ‘Great thinga happen’ Alam ko sa kabila ng pagiwas ko sa mga masasamang
balita sa pandemya dahil dumadagdag ito sa dahilan ng depresyon ko ay
mangyayari pa ding maganda sa. Ang pagiging kontento at masaya sa pandemyang
ito, na kahulugan ng eudamonia ay iilan na lang ang nakakagawa. Kaya ko ito
ginawa upang ipaalala sa akin na patuloy ko pa din piliin maging masaya at
kontento para malabanan ko ang depresyon ko.
April 10, 2020
Hindi na lang ilong ang kaya kong gawin! Maging
ang mata. Paisa isa pa lang nagagawa ko pero nakikita ko ang kaibahan sa bawat
araw. Msayado nga lang napapagod ang kamay ko. Kanina nakaramdam ako ng sakit
dahil tuloy tuloy ang pagguhit ko. Humihinto lang kasi ako mga 1 o 2 araw ang
pagitan o di kaya oras lang. Kaya kanina kailangan kong magpainit ng tubig
kahit mayroon pang laman yung takure. Gamot daw kasi sa pasma ang mainit na
usok. Para tuloy nasa sauna ako kanina kahit na kamay ko lang ang nakatapat sa
pinapainit ko. Maliit kasi yung kusina at kulob ayun instant sauna!
April 16, 2020
Panget ko pa din magdrawing! Para tuloy akong
nagpapanggap hays! Painting kasi ako! hindi pagguhit! Inggit ako sa mga kilala
kong artist hays! Maituturing pa din kaya akong artist? hays! Nilalamon ako ng
inggit! At takot!
April 17, 2020
Heto na ako! Tuloy tulo ang pagguhit. Ano ba
magagawa ko? Simula ang quarantine naubusan na ako ng watercolor paper.
Gustuhin ko man na magpabili online, ilalaan na lang yun sa stock sa bahay.
Patuloy na ako kinakain ng lungkot dito. Sa pagpipinta ko kasi binubuhos ang
nararamdaman ko. Ngayon ko na lang kasi talaga sinubukan gumuhit.Ayos naman
pero namimiss ko pa din ang pagpipinta. Kaya gumawa ako ng paraan para kahit
papaano ay makapagpinta ako gamit ang simpleng papel. May napanuod akong korean
novela nung biglaang nailipat yung TV nung nakaraang araw. Ang sabi daw ang
self portrait ay hindi lang nalilimitahan sa pagguhit ng iyong mukha. Maaari
ding emosyon mo ang ipinta at iguhit mo, mas nakakagain ng loob noong sinubukan
ko ngayong araw.
Sa araw araw na pananatili sa bahay, kitang
kita ko ang away at sermon nila Mama, parati kasi akong puyat. Nagpupuyat ako
dahil nanunuo ako ng art tutorial. Heto lang ang oras na nararapat, dahil kundi
paikot ikot ako sa kama kasama ng pag iisip ng bad memories. Yes. Tulad ng
napahiya ako sa klase nung highschool ako. Tinawag pa ako ng kaklase kong
Quirante at Liera. Ginagawa ko kasi sa oras ng Science subject ang Filipino
homework. Si Quirante siya yung kasama kong napagalitan at nakangiti lang ako
na lalo kinainis ng teacher ko. Kaya hiniwalay niya ako sa ibang kaklase ko sa
sobrang tibay ng loob ko sa kahihiyan. Umiyak lang ako nung umalis yung teacher
ko at nakangiti pa din nung umalis siya. Tuwing maalala ko to sinasabunatan ko
sarili ko at pinapalo yung ulo ko para sa patuloy na pag alala nito. Lagi ko
sinsabi na bobo! Bat mo ginawa yun! Tas may maalala ako iba. Sasabihin ko ng
masama yung sarili ko. Hanggang sa di ko namamalayan na heto na! may depresyon
na at nunuod na lang ako ng videos tuwing madaling araw para mapigilan na mag
isip ng kung ano ano, na lumalala dahil hindi maintindihan nila Mama bakit wala
akong ginawa kundi magpuyat.
April 24, 2020
HAHAHAH sarap ng mango graham lalo kung gawa
ko! Dahil quarantine, ginagaw naming ng jowa ko ay maginggitan ng pagkain.
HAHAHA! Dahil paborito niya ang Mango graham ayun talo yung JCO donuts niya
hahahhahaha XD kyut naming sa tingin ko lang naman hahaha
April 26, 2020
Akala ng mga kaklase ko kahit tinigil ang online
nagawa ko ng gawain sa school. HAHAAH totoo naman pero hindi ibig sabihin e
masipag na ako XD sadyang para mawala lang iniisip ko. Kapag kasi wala akong
ginagawa kinakain ako ng isipan kong lungkot at kamatayan langang gusto
April 30, 2020
Mapagpanggap talaga ko HAHAHHA! Nag aaral ako
gitara, kaso nganga! Hirap! Laki kasi ng gitara ng kuya ko. Miss ko na ukulele
ko pero nasa mabuting kamay na siya. Hindi ko lang maiwasan na malungkot hays!
Kasi isa yun sa passion at hobby ko. Nasa beshy nalockdown sa Batangas
huhuhuhu! Hays!
May 2, 2020
Hindi ko alam kung napana ba ako ni Kupido o
matagal na, lumalim lang. Ngayon kasing araw nilista ko ang mga bagay na balak
kong surpresa para sa aking minamahal. Ang cheezy!! Ang korni! Pero tulad nga
ng madalas naming banat na dalawa, ‘atleast SWEET CORN!’ Korni kaming dalawa at
hilig naman naming ang sweet corn. Tanda ko pa nung una kong pinatikim sa kanya
ang street food na ‘yun. Sabi ni Kuyang nagbebenta ay makakalimutan niya ang
pangalan niya. Tumawa naman kaming dalawa. Pero sa sobrang sarap, nagawa niya
pang higupin yung sabaw ng sweet corn ng tuloy tuloy kahit na mainit init pa.
Ansarap balikan ng mga araw na lagi kami magkasama. Kaya eto balak ko gumawa ng
sopresa para sa kanya na tinatawag kong “box of love”
May 3, 2020
YAY! Naisipan ko makaroon ng business after ng
quarantine. Andami kasing nahihilig sa macramé bracelet plus sikat siya sa
shopee hahahaha! Kaya panay ako nuod paano gumawa. Hanggang sa nalaman kong
pwede palang gumawa ng braceleet gamit ang sinulid lang! Galing! Naisipan ko
din gumawa ng couple ring na macramé para personalize ibibigay ko sa jowa ko
hehehe o di ba!
May 6, 2020
Hays! Di ko alam kong wala na ba talaga yung
dating ako, kasi hindi na kao tulad ng dati. Dati nakikialam ako sa nangyayari
sa paligid ko ngayon wala na. Para tuloy akong strangers sa fb acct ko. kasi
yung mga kilala ko at malapit sa akin may pake sa lipunan ako bigla na lang
nawala apoy ko tungkol doon. Hays! Am I bad? Kung umiiwas ako dahil
nakakastress ang sobrang bad news ngayong COVID 19?
May 9, 2020
Bored na talaga ako sa bahay. Pero bawal
lumabas HAYS! Heto ako ngayon, panay tanong ko kay google “how to” tas pipili
ako. Naghahanap ako ng ibang mapagkakaabalahan. Hindi ako sanay na naka
nganga1. Hays! Di kasi ako ready sa COVID 19! Malay ko ba? Edi sana nagstock
akong maraming art materials ahahahahha! Pero ano kaya pwede pa gawin no kahit
nasa bahay lang?
May 10, 2020
Gising ako maaga buset! tinuruan ni Papa si
Allexa na sundutin ilong ko. Kaya pinagsabihan ko hahaha sana di niya na
ulitin. Pero si Mama lagi niya binubuksan mata hahahah pag tulog lalo na din sa
umaga
May 11, 2020
I want to paint again! Huhuhuhu! Nahinto ako
dahil sa wala na akong water color paper plus depress pa ako. Kapag ganito
kasing Malala ako huhuhu dark painting nagagawa ko. JUSKO! Pinapagalitan pa
naman ako ni Mama pag ganoon. Pero siguro pwede ko naman subukan baka magsisi
ako na di ko pa ginawa kung kailan may libre akong oras
May 19, 2020
Hays! Kakalungkot kasi nalaman ko na yung isa
ko pang malayong bestfriend, sinasarili ang problema niya. HUHUHHUHU tapos may
planned din siya na mategi! Kainis! Kasi ayokong magaya siya sa akin, ayoko
silang magaya sa akin. Ayokong danasin nila yun hirap ko gabi gabi kasi
dinidiin sa akin ng utak ko yung mga mali at gagawin ko pang mali. Huhuhuhu! We
used to sing
Ill never leave you alone, no way.
Ill be by your side
Like a bird on a tree
Like a sun on a sea
Wuuuhooooo
Ill never leave you alone, no way
Ill be by your side…
Theme song to ng isang teleserye na paborito ko
noon dahil bata ang bida. Kinanta ko yan sa kanya kapag malungkot siya, ganun
din siya sa akin. Pero feeling ko ngayon iniwan kosiya huhuhuh! Sana maging
okay na siya. Laman siya ng prayers ko ngayong gabi
May 20, 2020
Sana hindi na lang depression sakit ko. Sana
alzheimer na lang o amnesia kasi ayoko na maalala gabi gabi yung pagkakamali ko
huhuhu at hindi magagandang alala please…
May 21,
2020
Ang hirap aralin ng ponema hays! Baba ko a quiz
ko doon at nagaalala ako kung may klase pa din kami tungkol ditto baka ikalagapak
ko na. Hays! Huhuhuhu ponema. Sana matandaan pa din kita pag bumalik uli ang
klase.
May 22, 2020
Problema ng beshy ko, siya ring problema ko.
HAHAHA! Ang ibig ko sabihin, para naming diary isat isa. Ngayon gulong gulo na
siya sa jowa na ex nae wan ko na. Maski ako nagugulhan sa kanilang dalawa.
Basta alam ko gago yung lalaki. Lagi ko naiisip noon na sana lalaki na lang ko,
so I can protect my bestfriend. Hays! Wish kon ngayong gabi at prayers ko na
more courage, strength, wisdom and peace para sa beshy ko! syempre jowa na
maayos na din. Hays! Alam mo diary, parehas naming prayers ang isat isa…. Ng
bestfriend ko ah… lagi kasi kaming naiyak ng sabay HAHAHA kala mo synchronized
hahahaha
May 25, 2020
Nandito ka kanina si Jerry. Syempre act na naman na bata. Oo, kawawa
naman talaga siya. Tapos syempre sila Mama at Papa. Ayan nagluto agad si Papa.
Tas si Mama kinuha yung isang kumot na makapal sa akim yun kasi foam ng higaan
ko. Tapos medyo nainggit ako... kasi alam na alam nila Mama at Papa ano
problema nila isa isa. Maliban sa akin... tipong nakakainggit kasi alam nila
yung kailangan ng anak nila. Akin hindi. Nanahihirapan na ako sa sitwasyon ko.
Nalulungkot ako kasi akala lang nila sa akin bastos ako. Walang galang. But
deep inside me naluluha na ako habang sinusulat ko ‘to hahahahha
May 26, 2020
Binugbog ako ng kuya ko ahahahha! Kasalanan ko
naman kasi mapagpatol ako at sinabi kong
“sige saktan niya ako”. Wala na din naman akong pake sa mararamdam ko
physically. Pagod na ako mentally, emotionally,spiritually, socially HAHHAHA SO
ANO PA KUNG MASAKTAN PHYSICALLY. I wanna die… pero kailangan lumaban at kayanin
ko. Kaiyak talaga hinampas ako ng tray ng labada. Wala namn ako sugat, masakit
lang ulo, tenga at likuran. Doon kasi tumama.
May 28, 2020
Kung hindi ko lang mahal si Allexa na pamangkin
ko baka nakooo! Paano ginising ako gamit yung paglakas sa radio huhhuuhu! Gulat
tuloy ako. 8am pa lang e huhuhuhu! pasalamat siya love ko siya hahaha!
May 30, 2020
Panay nuod ako sa Youtube, lalo na tungkol kay
Brad Mondo, isang gay na hairstylish sa ibang bansa. HAHAHAHA kamukha niya
isang kaibigan ko noon. Pero ang galing lang paano siya mamili ng kulay ng
buhok. LIKEEEEEEE WOAAH! Feel ko magiging hairstylish na ako sa ginagawa ko
nito XD Alam ko na mga basic na dapat tandaan sa buhok lalo na sa buhok kong
kulot hehehehe after quarantine sigurado na ako na aayusin ko na kulot na
buhok, dahil alam ko na din naman bilihan ng products? Pati syempre kung anong
products bagay sa hair ko. EXCITED NA AKO PARA SA KATAPUSAN NG LOCKDOWN NA TO.
May 31, 2020
I keep on learning Bisaya language, especially
Waray! Nakakabighani kasi sa Samar at ang kultura nila. Panay nuod ako ng
tutorial. Malay mo! Makapunta akong Samar ahahahah puhon. Buti na lang may
Youtube para matuto ng mga ganitong bagay. Damo nga salamat!
June 1, 2020
Napakabaliw ko ngayong araw, dahil siguro
maganda yung araw ko o pinipilit ko lang sumaya na lang. Kapagod umiyak gabi
gabi para lang sa mga alaalang masama pero nangyari na. Kaya nagkulit na lang
ako sa bestfriend ko at sa boyfriend ko hahahha
Hanggang sa kakukulit ko, nalaman ko sa jowa ko
na may riot na nangyari na sa America dahil doon sa black lives matter. Kaya
ginawa ko, naghanap pa ako ng ibang balita online. Hays! Bakit kaya ganito
nangyayari sa buong mundo? Sana matapos na ang kaguluhan kasi hindi ko kayang
tumanggap lagi ng masasamang balita gaya ng ganito. Binawasan ko na nga yung
pagiging aware sa balita, hindi dahil wala akong pake, inalagaan ko lang yung
mental health ko. Reasonable naman yung di ba? Hays! Feeling ko tuloy napaka
wala kong kwentang mamamayan ng bansang ito. Biruin mo lahat ng kaibigan ko sa
social media panay hinaing, pagmamasid at critiques sa nangyayare sa bansa.
Hays!
June 3, 2020
Nagawa ako ng NSTP o lesson plan ko June 8 daw
kasi pasahan. Nakakabagot. Pero ang gara pa din ng ginawa kong lesson plan,
sabi daw kasi maximize kung anong mayroon sa bahay. Laptop lang ang mayroon ko
at nasira yung cellphone ko. Nasa labas lang ako buong maghapon, lamok pa dito.
Heto kasi lungga ko para hindi ako masunda ng makulit kong pamangkin.
Humingi ako ng tulong sa boyfriend ko pero
parang labag sa kanya.Nakakahiya na din nasa akin laptop niya tapos papatulong
pa ako. Ayun! Edi sariling sikap kahit wala load at hindi ganoong magaling sa English.
LABAN LANG PARA SA PANGARAP
June 4, 2020
Madaling araw pero nagawa pa din ako ng
sanaysay. Heto lang kasi ang oras ko kapag umaga kasi nakikipaglaro ako sa
pamangkin ko. My day revolves on making essay about depression. Masyadong dump
site ang utak ko habang ginagawa ko ito kasi malapit sa akin yung pakiramdam ng
depression. Dalangin ko na mawala na ang depression ko dahil pagod na pagod na
ako.
June 6, 2020
Napagdesisyunan ko na lumabas na matapos ang
mahigit dalawang buwan. Buong ECQ kasi hindi talaga ako lumabas sa bahay kahit
man lang sa lugar namin. Wala pa ding pinagbago sa labas. Marami pa ding
insecure sa akin kasi ang ganda ko hahahahha. Lalo na yung mga magulang na
tanong ng tanong lagi ng grades ko kasi mas magaling ako sa kababata ko. Kaya
pala ako lumabas para samahan si Mama may masama kasi akong panaginip bago ang
araw na ito na may hindi mangyayaring maganda sa kanya. Kaya para makasigurado
sinamahan ko siya. Paglabas ko… NAKO! Ganoon pa rin maraming bulok na Sistema
lalo na sa super market malapit sa amin. Hindi ako pinapasok pero may nakita akong
kasing edad ko pinapasok, baka kasi sa sobrang liit k. Pero halata din naman na
bata pa sila. Kaya nakakainis! Hindi talaga masisisgurado ang kaligtasan kung
ganito pa din ang sistema, masyadong kampante at pabaya ang ilan. Hays!
June 7, 2020
Nakakatuwa yung araw ko ngayon. Sa buong
quarantine ito yung pinaka gusto ko! o sabihin natin pinaka magandang araw ko!
kasi I started to feel I am pretty on my own way! Na appreciate ko yung kulot
kong buhok at patuloy ko inaalagaan ito. Ang ganda kasi parang crown. Pagkatapos, may nakakapansin na din ng ganda
ng buhok ko. Syempre hindi lang sa buhok ko. SIguro nga late bloomer ako kasi
nagiging maarte ako sa katawan. Pero okay na din yun atleast through that
nafefeel ko na mahal ko yung sarili ko at na appreciate ko.
June 8, 2020
Lam mo diary… may nalaman akong Bisaya worship
song ang ganda. Pamagat niya Dungog Ug HImaya. May verson kasi si TJ Monterde.
Ang ganda ng message at kinabisado ko yan! Cebuano song siya. Napakalamig ng
pagkakanta ni TJ.
Dungog Ug Himaya
(with Lyrics)
Verse 1
Dungog ug himaya (Honor and glory)
Sa langit ug sa yuta (In heaven and on earth)
Ang tanan o Dios Kanimo lamang (All is yours oh God)
Ikaw ang puno sa gugma (You are full of love)
Nga walay katapusan (That is without ending)
O Dios awiton ko ang gugma Mo (Oh God I will sing of your love)
Dungog ug himaya (Honor and glory)
Sa langit ug sa yuta (In heaven and on earth)
Ang tanan o Dios Kanimo lamang (All is yours oh God)
Ikaw ang puno sa gugma (You are full of love)
Nga walay katapusan (That is without ending)
O Dios awiton ko ang gugma Mo (Oh God I will sing of your love)
Koro:
Ginoong Dios (Lord God)
Mahigugmaon sa tanan (The lover of all)
Takus Kang daygon (Worthy of praise)
Ug simbahon ug halaran (Worship and offering)
Ang tanan kong gugma (All my love)
Ginatugyan ko Kanimo (Will be given to you)
Ang kinabuhi ko o Dios (My life oh God)
Kanimo lamang (Is yours alone)
Ginoong Dios (Lord God)
Mahigugmaon sa tanan (The lover of all)
Takus Kang daygon (Worthy of praise)
Ug simbahon ug halaran (Worship and offering)
Ang tanan kong gugma (All my love)
Ginatugyan ko Kanimo (Will be given to you)
Ang kinabuhi ko o Dios (My life oh God)
Kanimo lamang (Is yours alone)
Ganda ng kahulugan no? Sinearch ko lang yan sa google at nagulat ako
hehehe kaya ayan happy na ako
No comments:
Post a Comment